Pulis, Nagpanggap na Pulubi para Hulihin ang Kriminal; Nagulat na Lamang sa Natuklasan! - Trenddy

Pulis, Nagpanggap na Pulubi para Hulihin ang Kriminal; Nagulat na Lamang sa Natuklasan!

Pulis, Nagpanggap na Pulubi para Hulihin ang Kriminal; Nagulat na Lamang sa Natuklasan!


Maraming tao sa ating lipunan ang nasa mahirap at kaawa awang kalagayan. Ngunit minsan imbis na sila ay tulungan may mga pagkakataon nagagawa pa silan

Matteo Guidicelli, Ibinunyag ang Tunay na Ugali ni Sarah Geronimo na Ikinagulat ng Marami!
Lalaki na Naglagay ng Camera para Hulihin ang Nobya sa Akala Niyang Ginagawa nito, Laking Gulat niya Ng iba Ang Kaniyang Matagpuan!
Bata na Namamalimos, Napaiyak Matapos Makita ang Kalagayan ng Babaeng Sakay ng kotse na Nilapitan!

Maraming tao sa ating lipunan ang nasa mahirap at kaawa awang kalagayan. Ngunit minsan imbis na sila ay tulungan may mga pagkakataon nagagawa pa silang husgahan at pagtawanan.

Ang pangyayaring ito ay naganap sa Vancouver, Canada, isa sa mga lugar na may pinakamababang kaso ng krim3n sa buong mundo. Taong 2014, maraming kaso ang naitala ng mga pulis kung saan karamihan sa mga nabibiktima ay ang mga taong may kapansanan.

 

Ayon sa mga pulis, nagsimula umano ito noong buwan ng Mayo. Marami ang nag-report sa kanila ng parehong pangyayari. Kapansin pansin daw na sa dalawamput tatlong kaso na naitala, puro may kapansanan ang biktima. Sinubukan nilang hanapin ang salarin ngunit subalit sila ay nabigo na mahuli ito.

Nais na sana nilang itigil ang paghahanap sa gumawa nito. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, isang pulis na nagngangalang Mark Horsly ay nakaisip ng kakaibang ideya upang mahuli ang mga kriminal. At ito nga ay ang pagpapanggap bilang isang pulubi na may kapansanan.

Mahigit apatnapung taon na siya sa serbisyo at sa tagal niya roon, marami na siyang karanasan pagdating sa ganoong sitwasyon. Noong una naisip ng kapwa niya pulis na kakaiba ang ideya niyang ito. Pero mukhang epektibo kung kaya’t sinuportahan nila ang nasabing pulis.

Kaagad nilang isinagawa ang special operation na tinawag nilang ‘Operation Wheelchair’. Dahil si Horsley mismo ang nakaisip ng ideyang ito, kaya siya din ang pinadala para magpanggap na pulubi. Bago nila sinimulan ang operasyon, walang kaide-ideya si Horsley kung ano ang mangyayari sa kaniya sa mga susunod na sandali. Hindi niya akalain na ang kaniyang gagawin pala ay magpapabago sa kaniyang buhay.

 

Para maging mas kapani paniwala ang pagpapanggap ng pulis, nagsuot siya ng luma at maruming damit. Matapos noon, umupo siya sa wheelchair upang kunwari ay hindi talaga siya nakakalakad. Nang magsimula na ang operasyon, may dalang pera si Horsley, hinayaan niya lamang itong nakalabas mula sa bulsa ng kaniyang damit para makita ng tao ang magkaka-interes doon.

Makalipas ang ilang oras mula nang magsimula ang operasyon, hindi inakala ng mga pulis na ang mga susunod na mangyayari ay hindi aayon sa kanilang plano. Sapagkat walang sinuman ang kumuha ng pera ni Horsley bagkus tinrato siya ng tama ng mga taong nakakakita sa kaniya.

Marami din ang nag-alok ng tulong dahil buong akala nila ay isa talaga siyang pulubi. Kinausap din siya ng ilang tao na napapadaan kung ano ang maitutulong sa kaniya. Nakatanggap din siya ng pera mula sa mga ito. Ang pinaka unang tao na lumapit sa kaniya ay isang lalaki.

Nang lumapit at hinawakan nito si Horsley, buong akala ng mga pulis na siya na ang kriminal na kukuha sa kaniyang pera. Ngunit sa halip na siya ay nakawan, nagdasal ito para kay Horsley na sana ay maging maayos na ang kaniyang kalagayan at marami pang mabubuting bagay ang mangyari sa kaniya.

Matapos magdasal ng lalaki ay tuluyan na itong umalis. Iyon palang pala ang simula ng lahat para sa pulis dahil ilang sandali pa ang lumipas, may isang lalaki na naman ang napadaan. Lumapit ito sa kaniya dahil napansin nito na nakalabas ang pera ni Horsley. Kung kaya naman tinulungan niya ito na itago ang pera sa bulsa ng kaniyang jacket upang hindi daw ito mawala.

 

Pinaalalahanan din siya ng lalaki na ang lugar na iyon ay hindi ligtas para sa kaniya. Kaya kung maaari ay huwag siyang manatili doon kapag malalim na ang gabi. Nagkuwento din ang lalaki sa pulis. Ayon dito, ang kaniyang nanay din daw ay mayroong kapansanan. Ngunit, sa kabila nito, hindi ito nawawalan ng pag-asa kaya sana ay ganoon din daw siya. Siguradong magiging maayos din ang lahat.

Makalipas ang dalawang araw ng operasyon ng mga pulis, unti unting nabago ang tingin nila sa mga tao doon. Napakabait ng mga ito. Naisip din ni Horsley na mas magiging maayos ang pakikitungo niya sa mga tao dahil sa kabila ng hindi magagandang pangyayari, marami pa din ang may mabubuting puso dito sa mundo.

Dahil hindi pa din nahuhuli ang kriminal, pinagpatuloy pa din nila ang operasyon. Sa pagkakataong iyon, gumawa ng ibang paraan si Horsley. Inilabas niya ang lahat ng pera na mayroon siya at nakiusap siya na bilangin iyon ng mga taong mapapadaan. Sinabi niya na wala siyang sapat na edukasyon para kwentahin ang pera na iyon. Muli, naging mabait ang mga tao sa kaniya.

Pumayag silang tulungan ang lalaki na inaakala nilang pulubi. Sa huli, nang bilangin ng pulis ang kaniyang pera hindi niya akalain na mas marami na ito sa orihinal na pera noong simulan nila ang operasyon.

Nang matapos ang limang araw nilang operasyon, ibinahagi ni Horsley sa mga journalist ang kaniyang karanasan. Naka halubilo niya daw ang halos limang libong tao sa kalye at ang pinaka nakakagulat sa lahat, wala ni isa man sa mga taong iyon ang nagtangkang kunin ang kaniyang pera.

Ang lahat ng pangyayari sa nasabing operasyon ay nakuhanan sa kanilang hidden camera. Napansin din nila na kapag may hindi nakatingin si Horsley ay may mga taong naglalagay ng pera sa damit niya. May pagkakataon din na binibigyan siya ng pagkain ng mga dumadaan.

 

Nang ipinalabas sa national TV ang operasyon na ito ng mga pulis, hindi na sila muling nakatanggap ng relamo mula sa mga taong nananamantala ng mga may kapansanan.

Hindi man naging matagumpay si Horsley na mahuli ang mga kriminal, naging malaki naman ang impact nito sa mga taong gumagawa ng hindi maganda. Marahil, natakot silang nakawan ang mga pulubi dahil baka magkamali sila ng mabiktima, baka isa sa mga ito ay isa palang pulis.

Dahil sa kakaibang ideya ni Horsley, kinilala siya ng mga tao at ng kapulisan. Hindi lang sa kanilang lugar, kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. Nakatanggap siya ng award at dagdag na sahod. Pinagbakasyon din siya ng ilang araw para makasama niya ang kaniyang pamilya matapos ang kaniyang mission.

 

Ang kwento na ito ay nagpapaalala sa atin na sa kabila ng mga hindi magagandang nangyayari sa ating lipunan, may mga tao pa din na may mabubuting puso. Mga taong handang tumulong sa kanilang kapwa na walang hinihinging kapalit.

COMMENTS

WORDPRESS: 0