Bata na Namamalimos, Napaiyak Matapos Makita ang Kalagayan ng Babaeng Sakay ng kotse na Nilapitan! - Trenddy

Bata na Namamalimos, Napaiyak Matapos Makita ang Kalagayan ng Babaeng Sakay ng kotse na Nilapitan!

Bata na Namamalimos, Napaiyak Matapos Makita ang Kalagayan ng Babaeng Sakay ng kotse na Nilapitan!


Madalas tayong makakita ng mga batang palaboy sa lansangan na sa tuwing may dumadaan ay isinasahod ang kanilang madudungis na mga kamay para humingi n

Isang Mayamang Anak, Iniwan ang Ama sa Kalsada at Hindi na Muling Binalikan Pa!
Matteo Guidicelli, Ibinunyag ang Tunay na Ugali ni Sarah Geronimo na Ikinagulat ng Marami!
Pulis, Nagpanggap na Pulubi para Hulihin ang Kriminal; Nagulat na Lamang sa Natuklasan!

Madalas tayong makakita ng mga batang palaboy sa lansangan na sa tuwing may dumadaan ay isinasahod ang kanilang madudungis na mga kamay para humingi ng kaunting tulong. Ngunit, may pagkakataon na sa halip na sila ay tulungan, madalas ay pinandidirihan pa sila ng marami.

Si John Thuo ay isa lamang sa napakaraming pulubi na naninirahan sa Nairobi, Kenya. Araw-araw siyang nagpapagala gala sa lansangan para mamalimos at makabili ng makakain. Kung hindi niya ito gagawin ay siguradong mamatay siya sa gutom. Isa pa ay wala na siyang mga magulang na mag aaruga sa kaniya. Maraming beses na niyang naranasan na ipagtabuyan at pandirihan dahil sa kaniyang hitsura at pananamit. Ilang beses din siyang napagbintangan na nagnakaw ng pera at pagkain.

Ngunit, wala naman siyang magagawa kundi ang tanggapin iyon at ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa panlilimos. Isang araw, tulad ng nakasanayan ay muling namalimos si John. Sa pagkakataong iyon ay pinili niyang lapitan ang mga sasakyan na natigil dahil sa naipit sa traffic. Isa isa niyang kinakatok ang mga bintana nito para humingi ng barya pambili ng makakain. Hanggang marating niya ang isang sasakyan. Laking tuwa niya ng bumukas ito. Ibig sabihin noon ay makakatanggap siya ng pera subalit nang bumungad sa kaniya ang isang babae ay nagulat siya dahil may kung ano anong bagay ang nakakabit sa katawan nito.

Dahil noon lamang nakakita si John ng ganoon, tinanong niya ang babae kung para saan ang mga iyon. Ang babaeng nakita ni John ay nagngangalang Gladys Kamende, isang 32-anyos at may malubhang karamdaman.

Nanghihingi din daw siya ng donasyon para sa kaniyang operasyon. Kinakailangan niya ng tinatayang na $70,000 o mahigit P3-M. Bumigay na ang kaniyang baga na naging dahilan kung bakit kinakailangan niya ng makina para makahinga ng normal. Mayroon siyang oxygen concentrator, generator, at oxygen cylinder para siya ay manatiling buhay. Dumaan na din siya sa labindalawang operasyon dahil sa kaniyang karamdaman. At isa sa mga ito ang naging dahilan ng kaniyang pagkabulag.

Matapos niyang ipaliwanag sa bata ang mga ito, hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha nito. Lalo pa niyang na-realize kung gaano siya kaswerte kahit pa man siya ay isang pulubi. Naisip niya na kahit wala siyang pera ay okay lang iyon basta malusog ang kaniyang pangangatawan. Patuloy pa din ang kaniyang pag iyak at sa halip na manghingi siya ng pera ay hinawakan niya ang mga kamay ni Gladys. Nagdasal siya na sana ay ipagkaloob ng Diyos ang kaniyang mga pangangailangan para sa pagpapagamot.

Matapos noon ay may kinuha siya sa kaniyang bulsa at ibinigay niya sa babae ang pera na mayroon siya sa mga sandaling iyon. Alam daw niya na maliit lamang na halaga iyon ngunit nais niyang makatulong. Sana daw ay makapagpagamot na siya para matanggal na ang tubo na nakakabit sa kaniyang katawan.

Umiiyak pa din si John dahil naawa din siya sa babae. Maya maya ay itinapon ni John ang hawak na lata na kanila lamang ay sinisinghot niya bago niya nilapitan ang kotse na sinasakyan ni Gladys. Sinabi niya din kay Gladys na gusto niya sumama sa kaniya pauwi sa kanilang bahay para matulungan niya ito kahit sa paglilinis man lang.

Dahil naawa si Gladys sa bata ay isinama niya ito. Subalit, hindi niya ito kayang alagaan kaya napagdesisyunan niya na dalhin ito sa bahay ampunan. Nangako siya dito na babalik siya kapag nasa maayos na ang kaniyang kalusugan.

Ang pangyayari palang ito ay nakunan ng isang netizen na naantig sa kabutihan na ipinakita ni John. Kaagad niya itong ibinahagi sa social media na umani naman ng napakaraming reaksyon mula sa kapwa netizens. Hindi nila akalain na ganoon mag isip ang bata sa kabila ng katayuan nito sa buhay.

Sinabi ni Gladys sa isang panayam na taong 2010 nang magsimulang magbago ang kaniyang buhay. Unti unti daw lumaki ang kaniyang tiyan at dahil hindi ito naagapan, lalong lumala ang kaniyang kondisyon na nauwi na sa sunod sunod na operasyon at kawalan ng paningin.

Dahil sa karamdaman, iniwan din siya ng kaniyang asawa at anak. Makalipas ang apat na araw mula nang mai-post sa social media ang larawan ni John at Gladys, bumuhos ang tulong mula sa may mga mabubuting puso.

Nakalikom sila ng $80,000 o sa pera natin ay nagkakahalaga ng P4-M. Ang perang iyon ay sapat na para sa operasyon ni Gladys. Napakalaki ng kaniyang pasasalamat para sa lahat ng tao na tumulong sa kaniya lalo na kay John kaya naman bilang ganti ay tinulungan niya itong makahanap ng bagong magulang.

Mga responsableng magulang na alam niyang aalagaan si John at maibibigay ang kaniyang mga pangangailangan tulad na lamang ng edukasyon.

Sa kasalukuyan ay nasa maayos na kondisyon na si Gladys. Si John naman ay mas masaya na sa bago niyang pamilya. Lagi pa din silang nagkikita ni Gladys para magkuwentuhan at kumain sa labas.

Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap. Si John ay mayroong ginintuang puso. Pinatunayan niya na kahit isa lang siyang pulubi ay makakatulong pa din siya sa kapwa na nangangailangan sa sarili niyang pamamaraan.

COMMENTS

WORDPRESS: 0