Lalaki Na Ginawa Ang Sirang Kubeta, Hindi Makapaniwala Sa Natuklasan Sa Ilalim Nito! - Trenddy

Lalaki Na Ginawa Ang Sirang Kubeta, Hindi Makapaniwala Sa Natuklasan Sa Ilalim Nito!

Lalaki Na Ginawa Ang Sirang Kubeta, Hindi Makapaniwala Sa Natuklasan Sa Ilalim Nito!


Minsan, may pagkakataon talaga sa ating buhay kung saan mayroon tayong mga bagay na natutuklasan na hindi natin inaasahan. Tulad na lamang ng sinaunan

Bata na Namamalimos, Napaiyak Matapos Makita ang Kalagayan ng Babaeng Sakay ng kotse na Nilapitan!
Isang Mayamang Anak, Iniwan ang Ama sa Kalsada at Hindi na Muling Binalikan Pa!
Matteo Guidicelli, Ibinunyag ang Tunay na Ugali ni Sarah Geronimo na Ikinagulat ng Marami!

Minsan, may pagkakataon talaga sa ating buhay kung saan mayroon tayong mga bagay na natutuklasan na hindi natin inaasahan. Tulad na lamang ng sinaunang kadena, underground city at iba pang mga interesanteng bagay at ang mga discovery na ito ay makakatulong sa atin para maintindihan ang nakaraan, piece by piece.

Tulad na lamang ng kwento ni Luciano Faggiano. Habang sinusubukan niyang ayusin ang sirang kubeta ng kanilang bahay noong taong 2000, isang bagay ang di sinasadyang natuklasan niya sa ilalim nito na kalaunan ay hahantong pa sa panghihimasok ng mga otoridad.

Si Luciano Faggiano ay mula sa Lecce, Italy. Bata pa lamang ay pangarap na niyang magkaroon ng sariling negosyo, ang Italian Restaurant. Kaya naman siya ay nag-doble kayod para makaipon upang ipatayo ang restaurant na pinapangarap niya at matustusan na din ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Dahil sa sipag at tiyaga, nagawang makaipon ni Luciano ang matagal na niyang inaasam. Ngunit, lingid sa kaniyang kaalaman na ang kaniyang pangarap ay hahantong sa isang discovery na babago sa takbo ng kaniyang buhay.

Matapos makaipon ng sapat na pera, kaagad na naghanap na si Luciano ng lugar kung saan niya maaaring itayo ang kaniyang pinaplanong negosyo. Kalaunan ay nahanap niya ang espasyo sa isang bakanteng lote. Medyo may kalumaan na ang lugar ngunit maayos pa din naman tignan. Pinapinturahan na din ng may-ari ang gusali ng kulay puti at nilagyan din ito ng bagong heating system kaya naman mas nagmukhang bago at maayos ang naturang gusali.

Ang lugar ay maayos naman at tamang tama lang din ang lokasyon nito. Kaya naman hindi na nagdalawang isip pa si Luciano na bilhin na ang gusali. Buo na ang kaniyang plano at nagsimula na siyang gawin ang kaniyang restaurant.

Sa unang palapag, plano niya na tayuan ito ng restaurant samantalang ang pangalawang palapag naman ay gagawin niyang tahanan ng kaniyang pamilya. Gayunpaman, kahit na nakaplano na ang lahat, alam ni Luciano na hindi pa din magiging madali ang lahat kaysa sa kaniyang iniisip.

Sa unang palapag ng gusali, napansin ni Luciano ang isang kubeta na tila hindi na magagamit pa. Dahil malaki ang maaari niyang magastos mapagawa lamang ang nasabing kubeta, napagdesisyunan niya na siya na lamang ang gumawa nito para makatipid.

Alam ni Luciano na kung siya lamang mag-isa ay baka hindi niya matapos kaagad ang paggawa sa sirang kubeta kaya naman tinawag niya ang kaniyang dalawang anak para tulungan siyang mag-ayos nito. Nang makadating ang mga ito, nagsimula na silang gawin ang sirang kubeta. Hinukay nila ang lupa para malaman ang sanhi ng pagbabara ng kubeta. Ngunit, sa halip na sirang tubo ang madiskubre ay nakita nila ang isang sahig ilang talampakan mula sa kanilang pwesto.

Hinukay ng mag-aama ang naturang sahig dahil na din sa kuryosidad. Hndi na lamang ang sirang kubeta ang nais maayos ng mag-aama, kundi nais na din nilang malaman ang kung ano ang meron sa likod ng kakaibang sahig na nadiskubre nila.

Ang kanilang proyekto na tatagal lang sana ng ilang araw ay umabot ng ilang linggo. Gayunpaman, hindi sumuko ang mag-aama at nagpatuloy pa din sa paghuhukay hanggang sa tuluyan na nilang mabutas ang misteryosong sahig.

Natuklasan nila ang isang libingan na itinayo ng mga Messapian sa ilalim ng sahig. Ang mga Messapian ay nanirahan sa rehiyon higit sa dalawang libong taon na ang nakakaraan bago pa man sumibol ang Kristiyanismo sa mundo.

Bukod pa diyan, sa patuloy na pagsisiyasat ng mag-aama, ilang silid pa ang kanilang natuklasan katulad na lamang ng Roman Granary at Franciscan Chapel. Marami pang mga bagay ang matutuklasan ni Luciano sa gusali. Kaya naman naisip niya na ilihim muna ang mga ito sa ibang tao at para na din hindi muna makialam ang mga awtoridad dahil naiisip niya na baka maantala pa ang restaurant na kaniyang gagawin.

Ngunit, makalipas ang ilang araw ay nagsimula ng magtaka ang kanilang mga kapitbahay dahil sa tagal na nilang naghuhukay sa lugar. Sa ingay ng paghuhukay nina Luciano at sa tagal na din ng mga anak nito na nanatili sa gusali, nagsimula ng magtaka ang kanilang mga kapitbahay at naisip na baka hindi lamang basta ang sirang kubeta ang mga inaayos nito kundi baka nagsasagawa na ang mga ito ng ilegal na paghuhukay.

Kaya naman naisip nilang tawagan na ang mga awtoridad. Kaagad namang rumisponde ang mga awtoridad at pumunta sa lugar ni Luciano. Doon nga ay nalaman na nagsasagawa nga ang pamilya nila Luciano ng ilegal na paghuhukay. Sa bansang Italy kasi ay labag sa batas ang paghuhukay ng higit sa kalahating metro dahil sa archaeological interest nito kaya naman hindi pinapayagan ang paghuhukay lalo na kung ang iyong interes ay paghahanap ng kayamanan o mga artifacts.

Matapos nito, pinahinto ang mag-aama sa kanilang paghuhukay. Ang mas masaklap pa ay hindi din nila maaaring matuloy ang paggawa sana ng restaurant sa unang palapag ng kanilang gusali. Bagama’t nais pang malaman ng mag-aama ang mga silid sa ilalim ng kanilang bahay ay wala silang magagawa kundi sundin ang batas.

At ang mas masahol pa dito ay kailangan pa nilang maghintay ng higit sa isang taon para sa magiging desisyon ng korte kung maaari ba nilang ituloy ang paghuhukay o hindi. Sa huli ay hinayaan na ng mga awtoridad ang pamilya na ituloy ang hindi natapos na gawain.

Gayunpaman, may isang kondisyon, may isang archaeologist ang magbabantay sa kanila na siyang magdedesisyon kung ihihinto ba nila ang kanilang gawain o hindi.

Kaagad naman pinagpatuloy ng pamilya ang paghuhukay matapos sabihin kay Luciano ang desisyon at kundisyon ng mga awtoridad. Maliban sa mga sinaunang silid, natuklasan din nila ang  mga Medieval-Era Relics at ancient bases. Bukod dito, natuklasan din ni Luciano ang mahahabang Fresco, ilang mga religious bottles na ginamit ng mga Romano noong unang panahon, at ilan pang mga silid na maaari umanong ginamit ng Knights Templar noong 12th century.

Dahil sa mga discovery na ito, ang curiousity ni Luciano ay humantong sa obsession. Umupa pa siya ng mga tauhan para makatulong sa paghuhukay. Siya din ay nagsaliksik tungkol sa mga ruins at artifacts na natuklasan nila sa kanilang bahay at ang panahon at era kung kailan nagsimula ang mga ito.

Ilang araw pa ang nakalipas at parami ng parami ang mga artifacts na kanilang nadidiskubre. Makalipas ang isa at kalahating taon, napagtanto ni Luciano na tila nawawala na ang tunay na ambisyon niya sa kaniyang buhay, iyon ay ang pagpapatayo niya ng pinapangarap ng restaurant. Kaya naman napagpasyahan niya na itigil na ang paghuhukay. Gayunpaman, hinikayat siya ng mga opisyal ng lungsod na ipagpatuloy ang nasimulan niyang proyekto.

Sa mga panghihikayat at natanggap na payo ni Luciano mula sa mga awtoridad, naisip niya na isang malaking puwang sa kasaysayan ang maaaring hindi na matuklasan pa kung ititigil niya ang paghuhukay. Kaya naman napagpasyahan niya na ipagpatuloy ito at isantabi muna ang plano na ipagawa ang pinapangarap niyang restaurant.

Sa huli, bagong negosyo ang naisip ni Luciano. Sa halip na restaurant, isang museum ang binuksan niya sa publiko. Ito ay pinangalanan niya na Museo Faggiano. Isa itong independent museum kung saan nakadisplay ang tinatayang 5,000 na kayamanan at artifacts na nadiskubre ng kaniyang pamilya. Sa ilalim ng gusali naman ay matatagpuan ang mga ruins.

Sa ngayon, isa na ang Museo Faggiano sa mga lugar na dinadayo ng mga tao sa Italy. Sa katunayan nga nyan, isa itong top rated museum sa Lecce at nag-iisang independent museum sa lungsod.

Bagama’t ang pagpapatayo ng museum ay hindi naman niya orihinal na plano, masaya pa din si Luciano sa kinalabasan nito. At ayon sa kaniya, malaki ang pinagbago ng buhay ng kaniyang pamilya dahil sa discovery na ito.

Tingnan dito:

COMMENTS

WORDPRESS: 0