Lalaki na Naglagay ng Camera para Hulihin ang Nobya sa Akala Niyang Ginagawa nito, Laking Gulat niya Ng iba Ang Kaniyang Matagpuan! - Trenddy

Lalaki na Naglagay ng Camera para Hulihin ang Nobya sa Akala Niyang Ginagawa nito, Laking Gulat niya Ng iba Ang Kaniyang Matagpuan!

Lalaki na Naglagay ng Camera para Hulihin ang Nobya sa Akala Niyang Ginagawa nito, Laking Gulat niya Ng iba Ang Kaniyang Matagpuan!


Ang ating tahanan ang pinakaligtas na lugar sa mundo, subalit ano kaya ang mararamdaman mo kung sakaling malaman mo na may ibang tao na nakatira sa sa

Lalaki Na Ginawa Ang Sirang Kubeta, Hindi Makapaniwala Sa Natuklasan Sa Ilalim Nito!
Isang Mayamang Anak, Iniwan ang Ama sa Kalsada at Hindi na Muling Binalikan Pa!
Matteo Guidicelli, Ibinunyag ang Tunay na Ugali ni Sarah Geronimo na Ikinagulat ng Marami!

Ang ating tahanan ang pinakaligtas na lugar sa mundo, subalit ano kaya ang mararamdaman mo kung sakaling malaman mo na may ibang tao na nakatira sa sarili mong pamamahay nang hindi mo nalalaman. Maituturing mo pa bang ligtas ang iyong tahanan?

Ang kwento na ito ay nangyari labing-isang taon na ang nakakaraan nang mapansin ni Joe Cummings ang tila misteryosong pagkawala ng kaniyang binibiling mga groceries. Si Joe ay isang professional actor mula sa Manhattan at kasama niyang naninirahan sa kaniyang apartment ang kaniyang nobya. Abala ang dalawa sa kani-kanilang trabaho, si Joe ay nagtatrabaho bilang actor at nagkikita lamang sila ng kaniyang nobya tuwing gabi.

Isang araw, napagpasyahan ni Joe at ng kaniyang nobya na mag-day off. Naisipan nilang mag-grocery hindi kalayuan sa tinitirhan nilang apartment. Talaga namang sinulit ni Joe ang pagkakataon at binili ang halos lahat ng pagkain, mula snacks, prutas, canned goods, alak, at iba pa.

Pag-uwi nila sa kanilang apartment ay kaagad nilang iniayos ang mga groceries sa kanilang estante at refrigerator. Kinabukasan, balik normal ang lahat para kay Joe at sa kaniyang nobya. Maagang gumising si Joe dahil medyo malayo ang lokasyon ng kaniyang shooting ngayon kaya nauna siyang umalis sa kanilang apartment.

Halos mag-uumaga na nang makauwi si Joe. Nadatnan niya ang kaniyang nobya na natutulog sa sofa habang bukas ang TV. Tila nakatulog na ito kakahintay sa kaniya. Binuhat niya ito at dinala sa kanilang kwarto. Pagkaraan ay bumalik siya sa kusina upang maghapunan.

Labis ang pagod ni Joe sa buong araw ng trabaho kaya naisipan niyang uminom muna ng alak kasabay ang pagkain ng paborito niyang snacks bago matulog. Pagbukas niya ng kanilang estante, wala roon ang paborito niyang snacks.

Hindi ito binigyang pansin ni Joe at inisip na lamang na marahil kinain ito ng kaniyang nobya. Kaya napagpasyahan niya na matulog na lamang. Subalit sa paglipas ng mga araw, napansin ni Joe ang patuloy na pagkawala ng mga pagkain na hindi pa naman niya kinakain.

Dito na naisipan ni Joe na tanungin ang kaniyang nobya tungkol dito. Subalit tumanggi ito at sinabi na hindi siya ang kumain sa mga nawawalang pagkain. Hindi kumbinsido si Joe na hindi kinain ng kaniyang nobya ang mga nawawalang pagkain. Naisip niya na marahil ay pina-prank lamang siya nito.

Kaya napagdesisyunan niya na hulihin sa akto ang kaniyang nobya sa pamamagitan ng pagse-set up ng hidden camera sa sulok na bahagi ng kanilang apartment. Makalipas ang dalawang oras, isang hindi kilalang babae ang nahuli ng camera na bumababa mula sa bakanteng istante sa taas ng pintuan.

Maingat nitong itinapak ang mga paa nito sa kalapit na mesa bago dahan dahang bumaba sa sahig gamit ang isang stool. Dumiretso ito sa lababo at doon ito umihi! Pagkaraan ay binuksan nito ang refrigerator ni Joe para kumuha ng pagkain at inumin. Tila hindi pa nasiyahan ang babae at nagawa pa nitong manood ng TV habang kumakain.

Pagkatapos nito, muli nitong binuksan ang ref ni Joe at kumuha ulit ng ilan pang pagkain bago bumalik sa kaniyang taguan.

Halong gulat at takot ang naramdaman ni Joe nang makita niya ang footage sapagkat nobya niya ang inaasahan niyang makita niya dito. Kaagad na itinawag ito ni Joe sa pulis at naaresto naman ang babae.

Kalaunan, napag-alaman ng mga pulis na halos dalawang linggo na palang naninirahan sa apartment ni Joe. Marahil may plano umano itong nakawan si Joe habang wala sila ng kaniyang nobya. Subalit napagpasyahan nitong manatili at magtago sa kanilang apartment. Magpahanggang ngayon ay hindi pa din lubos maisip ni Joe kung papaano nakapasok ang babae sapagkat nasa pinakataas na palapag ang kanilang apartment at ang tanging daan lamang para makapasok ito ay ang bintana at fire exit.

Ang nasabing footage ay dinokumento at in-upload ni Joe sa YouTube noong 2009 at sa ngayon ay mayroon na itong mahigit na 19 million views.

COMMENTS

WORDPRESS: 0