Isang Mayamang Anak, Iniwan ang Ama sa Kalsada at Hindi na Muling Binalikan Pa! - Trenddy

Isang Mayamang Anak, Iniwan ang Ama sa Kalsada at Hindi na Muling Binalikan Pa!

Isang Mayamang Anak, Iniwan ang Ama sa Kalsada at Hindi na Muling Binalikan Pa!


Isang Thai soldier ang kumakain sa isang kilalang restaurant. Habang ito ay nag-aantay ng pagkain, napukaw ang atensyon niya ng isang matandang lalaki

Pulis, Nagpanggap na Pulubi para Hulihin ang Kriminal; Nagulat na Lamang sa Natuklasan!
Lalaki Na Ginawa Ang Sirang Kubeta, Hindi Makapaniwala Sa Natuklasan Sa Ilalim Nito!
Bata na Namamalimos, Napaiyak Matapos Makita ang Kalagayan ng Babaeng Sakay ng kotse na Nilapitan!

Isang Thai soldier ang kumakain sa isang kilalang restaurant. Habang ito ay nag-aantay ng pagkain, napukaw ang atensyon niya ng isang matandang lalaki na pulubi na nakaupo sa kabilang parte ng kalsada. Matanda na ito at siguro kung tatantyahin ay mga nasa 70-anyos na ito.

Nag-iisa lamang ito at tila kapansin pansin ang pagkagutom nito sapagkat nakatingin ito sa mga taong kumakain. Habang tinitignan niya ang matandang lalaki ay nagpasya na siya na lapitan ito upang tanungin kung bakit nandoon ito at kung ano ang nangyari dito. Nagdala din siya ng pagkain para sa matanda.

Noong malapitan niya ito, doon na niya nakita ang mahirap na sitwasyon ng matandang lalaki. Nakaupo lang ito sa sahig at buto’t balat. Biglang napaisip ang Thai soldier, naisip niya na dapat ay nasa bahay na lamang ang matanda at nagpapahinga.

Walang pag aalinlangan na nilapitan niya ang matandang lalaki at doon tinanong ng kung bakit siya nasa kalsada. Nang matanong niya ito ay nagtaka naman ang sundalo dahil tanging sinasambit lamang nito ay ang mga katagang “Babalik din siya. Babalikan niya ako.”

Sa pagtataka ng sundalo ay nagdesisyon ito na magtanong sa mga tindahan sa paligid kung ano ang nangyari sa matandang lalaki. Mabuti na lamang at may isang babae ang nagmamay-ari ng isang store doon na siyang nagkwento sa sundalo kung ano ang nangyari sa matanda.

Sampung taon na ang nakalilipas. May isang bata na magandang babae ang nagmamaneho ng magarang sasakyan at kasama ng babaeng iyon ang matandang lalaki na bumaba sa sasakyan. Tila may sinasabi ang magandang babae sa matanda pero hindi na naririnig iyon ng tindera. Ngunit, makalipas ang ilang sandali ay iniwan na ng babae ang matandang lalaki at hindi na bumalik pa.

Noong una ay baliwala pa ito sa tindera ngunit sa paglipas ng oras at nagsimula na ang takip silim ay nagpasya ito na lapitan ang matanda at binigyan niya ito ng pagkain. Doon ay tinanong din ng tindera kung ano ang nangyari at bakit siya nag-iisa gayong mayroon siyang kasama na magandang babae na nagmamaneho ng magarang sasakyan.

Agad naman sumagot ang lalaki at sinabi na ang babaeng iyon ay ang kaniyang anak. Pumunta lang daw ito sa kaniyang trabaho kaya naman iniwan siya nito pansamantala at babalik din daw ito kaagad pagtapos ng trabaho.

Subalit, kinabukasan ay nakita pa din siya ng tindera na nandoon pa din at sa sahig na lang ito nakahiga. Sa awa ng tindera, binigyan niya ito ng tubig at makakain. Sa mahigit na sampung taon, ni minsan ay hindi umalis ang matandang lalaki sa lugar, umaraw man o bumagyo ay nandoon pa din ito, naghihintay sa pagbabalik ng kaniyang anak at dahil ang huling bilin nito bago siya iwan sa lugar na iyon ay babalik siya agad agad.

Ngunit, mahigit ng sampung taon ang nakalipas ay wala pa ding bumabalik na anak para sunduin siya. Hinding hindi na niya nakita pa itong muli matapos nitong iwan siya sa lugar na ito. Pero bilang ama, umaasa pa din siya na babalik ang kaniyang anak.

Nang marinig ng sundalo ang kwento ng tindera patungkol sa matanda ay nadurog naman ang puso nito. Nakakadurog naman talaga. Masakit isipin at damdamin na bakit may mga anak na kayang tiisin ang mga magulang? Kayang lumaban ng bastusan sa magulang, walang respeto sa magulang, at higit sa lahat, bakit may mga anak na mas mahal pa ang kanilang kasintahan kaysa sa kanilang mga magulang na siyang nagpalaki at nag-aruga sa kanila?

Bilang aksyon ng sundalo ay kinuhanan niya ng litrato ang matandang lalaki at ipinost ito sa social media sa pag-asa na may makakilala dito na ibang kamag-anak o ang anak mismo na nang-iwan sa kaniya roon sampung taon na ang nakalilipas.

Tinanong niya din ang matanda kung taga saan ba ito. Subalit, dala ng katandaan nito ay hindi na nito maalala pa kung saan ang bahay nito.

Ang post ng sundalo ay umabot mahigit na 100,000 shares. Ngunit, sa kasamaang palad, niisa ay wala talagang pumunta na kamag-anak. Wala na ding nakakaalam kung anong nangyari sa anak niyang babae. Maaaring naaksidente ito o maaarng mas pinili na lang nito na manahimik.

Sa kabilang banda, patuloy pa din na dumadami ang mga tao na nagbibigay ng pagkain sa matanda sa puwesto nito.

Ang kwentong ito ay mamulat ang ating mga mata bilang isang anak na ang pagmamahal ng ating mga magulang sa atin ay sobra sobra at walang papantay sa pagmamahal na iyon. Awayin man natin ang ating mga magulang pero sila mahal pa din tayo at handa pa din silang tanggapin tayo ng buong buo kahit na binabastos at minamalditahan at sinusupladuhan natin sila.

COMMENTS

WORDPRESS: 0