Mangingisda, Nakatuluyan ang Isang Magandang Turista dahil Lang sa Isda - Trenddy

Mangingisda, Nakatuluyan ang Isang Magandang Turista dahil Lang sa Isda

Mangingisda, Nakatuluyan ang Isang Magandang Turista dahil Lang sa Isda


Isang lalaking mangingisda ang hindi na umasang magkaroon pa ng babae na mamahalin siya ng lubusan. Sa katayuan ba naman daw niya sa buhay at medyo al

Babae na Nan4kit ng Isang Lalaki at Security Guard, Viral sa Social Media!
Bata na Namamalimos, Napaiyak Matapos Makita ang Kalagayan ng Babaeng Sakay ng kotse na Nilapitan!
Pulis, Nagpanggap na Pulubi para Hulihin ang Kriminal; Nagulat na Lamang sa Natuklasan!

Isang lalaking mangingisda ang hindi na umasang magkaroon pa ng babae na mamahalin siya ng lubusan. Sa katayuan ba naman daw niya sa buhay at medyo alanganin na porma ay tanggap na nito na wala ng babae pa ang magmamahal sa kaniya.

Sanay ng manghuli ng isda ang lalaki na nagngangalang Danil Gustian, ngunit siya ay nawalan ng lakas ng loob o natotorpe pagdating sa babae. Bukod pa diyan, mababa din ang tingin ni Danil sa kaniyang sarili para manligaw sa mga babae sa kanilang lugar. Si Danil ay isang mangingisda na nakatira sa isla ng Sumatra. Ang kaniyang ama ay isa ding mangingisda. Bata pa lamang daw si Danil ay sinasama na siya ng kaniyang ama sa laot para mamingwit ng isda.

Dahil sa kahirapan sa buhay, madalas absent si Danil sa klase kaya elementarya lamang ang natapos nito.

Madaling araw pa lamang ay naghahanda na si Danil para mangisda dahil malayo layo din ang kaniyang pupuntahan. Isa pa, dimano lang ang kaniyang pag-aari na bangka. Hindi kagaya ng ilan sa kaniyang mga kapitbahay na may mga sarili ng pump boat. Una ay nangunguna muna siya ng mga hipon para maging pain sa kaniyang pamimingwit.

Pagkatapos maghanda ng kaniyang baon, tiyaka ito aalis sakay ang kaniyang bangka. Madalas ay hapon na umuuwi si Danil. Ang mga nahuhuli niyang isda ay binebenta niya sa mga turista na pumupunta sa kanilang isla. Malaki talaga ang diperensya kapag sa mga turista niya naibenta ang mga nahuling isda. Halos doble ang kita nito kaysa sa merkado niya ibabagsak.

Binibigay naman ni Danil ang kaniyang kita sa kaniyang ina ngunit hindi naman lahat dahil nag-iipon ito para sa ipapatayo niyang kubo. Sa lahat ng mangingisda sa kanilang lugar, si Danil na yata ang pinaka-swerte sa panghuhuli ng isda dahil ni minsan ay hindi ito umuwi ng walang huli. Kaya ganoon na lamang kadali para sa kaniya ang makapagpatayo ng sariling kubo malapit sa dagat. Ngunit dito na siya napuno ng tukso sa kapwa mangingisda na sana daw ay sa babae muna siya gumastos dahil aanhin niya ang kubo kung wala siyang maititira na asawa dito.

Naiinis man si Danil sa  panunukso ng kaniyang mga kasama ay wala siyang magagawa. Sa edad na 28, talagang realtalk ang mga pinagsasabi nito sa kaniya.

Hulyo 2019, isang hapon mula sa alot, nagbenta muli si Danil ng mga nahuling isda sa mga turista. Pero sa pagkakataong ito, isang magandang dalaga ang interesado na pumakyaw ng mga isda na kaniyang binebenta. Ang dalaga ay nagngangalan na Clementine, isang estudyante na nagmula sa France.

Sa edad na 19, naging hobby na ni Clementine na mag-travel at unang beses lamang siya noon nakapunta sa Indonesia. Dahil babae ang kaharap ni Danil ay hindi na ito mapakali pa sa kaniyang kinatatayuan. Hindi na nga nito masagot ang tamang presyo ng isda na binebenta at sinabi na lang niya na libre na lamang ito para sa kaniya dahil ito ay maganda.

Natawa na lamang ang babae sa sinabi ng mangingisda. Magbabayad na sana ito ngunit determinado na talaga si Danil na ilibre na ang mga isda at hindi tinanggap ang pera na binibigay ni Clementine. Naglakas loob si Danil at inalok na pwede silang mamasyal sa isla sakay ang kaniyang bangka at libre lang din ito para sa kanila. Tinanggap din ni Clementine ang alok ng mangingisda.

Kinabukasan ay pinagsagwan ni Danil si Clementine kasama ang kaibigan nitong babae. Nilibot nila ang isla. Bumaba ang isang babae ngunit si Clementine ay nanatili dahil magpapaturo ito kay Danil kung paano magsagwan ng bangka.

Hindi nagtagal ay nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t isa. Naging viral naman sa social media ang relasyon ng dalawa noong inanunsyo nila na magpapakasal na sila kaya lamang sila ay may problema sila pagdating sa pinansyal. Gayunpaman, dahil madami ang natuwa sa kanilang kwento ay madami ding netizens ang nagpaabot ng donasyon para matuloy ang kasal ng dalawa.

Agosto 2019 ay hindi na naawat pa ang dalawa. Kasama ang pamilya ng magkabilang panig ay ikinasal sina Clementine at Danil sa Padang City, West Sumatra na may temang destiny dahil pinagtagpo daw sila sa kabila ng pagiging malayo ang agwat ng edad at tirahan nila sa isa’t isa.

COMMENTS

WORDPRESS: 0