Babae, Nahulog pa Din ang Loob sa Lalaki Kahit Sunog ang Mukha Nito - Trenddy

Babae, Nahulog pa Din ang Loob sa Lalaki Kahit Sunog ang Mukha Nito

Babae, Nahulog pa Din ang Loob sa Lalaki Kahit Sunog ang Mukha Nito


Hindi maipagkakaila na may ilan pa din sa mga kababaihan ngayon ang hindi tumitingin sa pisikal na kaanyuan ng isang lalaki bagkus sa kabutihang puso

Mga Loggers, Nagulat sa Nadiskubre sa Punong ito Matapos Nilang Putulin
Isang Delivery Man na Nagbyahe ng Tatlong Oras mula Manila hanggang Cavite, Gamit Lamang ang Kaniyang Biseklata!
Isang Mayamang Anak, Iniwan ang Ama sa Kalsada at Hindi na Muling Binalikan Pa!

Hindi maipagkakaila na may ilan pa din sa mga kababaihan ngayon ang hindi tumitingin sa pisikal na kaanyuan ng isang lalaki bagkus sa kabutihang puso nito at pagiging marespeto.

Ngunit, paano kung ang kumpiyansa mo sa iyong sarili ay mawala sa iyo? Yan ang nararanasan ng lalaki na nagngangalang Sal Sa Lang matapos ng kaniyang natamong aksidente sa mukha. Nagmamay-ari ng tindahan ng mga paputok ang pamilya ni Lang na matatagpuan sa isang lugar sa Vietnam.

Taong 2001, nangyari ang insidente na sumira sa kaniyang mukha. Pinaglaruan umano niya ang mga pulbura na naka imbak sa kanilang bodega. Nang sindihan ito ay bigla na lang itong lumiyab at naabutan ang kaniyang mukha dahil umakma siyang hipan sana ito. Halos buong mukha nito ang napuruhan kaya nag-iwan ito ng malaking peklat sa kaniyang mukha.

Ayon sa doktor na sumuri kay Lang, halos 90% sa mukha nito ang nasira at nasunog dahil sa pulbura at tanging plastic surgery na lamang ang paraan para maibalik ang kaniyang mukha sa normal. Subalit nangangailangan ito ng malaking halaga. Ngunit sa kasamaang palad ay walang ganoong kalaki ng halagang pera ang kaniyang pamilya kaya nanatili si Lang sa kaniyang kalagayan.

Nawala ang kaniyang kumpiyansa sa kaniyang sarili. Nais man niyang lumapit at makipag kilala sa mga babae, nauunahan siya ng takot na baka pandirihan siya ng mga ito.

Hanggang sa masilayan nito ang magandang babae na nangangalang Thu Yen. Si Thu Yen ay nagmula sa probinsya at bumibisita lang pala siya noon sa kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki. Sakto naman na magkapitbahay lamang sila at malapit pa ang loob ng magulang ng babae sa kaniyang magulang.

Si Thu Yen ay napaka palakaibigan at mabait kaya naman hindi na nakakapagtaka nang gawaran niya ng malaking ngiti sa mga labi si Lang noong unang kita nila. Ngunit dahil siya pa lang ang babae na nagbigay ng ganoong katamis na ngiti kay Lang ay binigyan ito ng ibang kahulugan ng lalaki na maaaring natipuhan siya ng probinsyana na si Thu Yen.

Nasa isip niya noon na nakatadhana silang dalawa sa isa’t isa. Dahil dito, naging agresibo si Lang. Hiningi niya muna ang number ni Thu Yen na hindi naman pinagdamot ng dalaga. Si Thu Yen pa umano ang lumalabas na nahihiya kay Lang kaya naman sa text na lang sila nagkakaroon ng maraming topic na pinag-uusapan.

Sa dalas ng pagte-text ng dalawa, nauwi din ito sa ligawan. Hindi pa kailanman nagkaroon ng kasintahan si Thu Yen pero binigyan niya ng pagkakataon si Lang. Siyempre, hindi nito binalak na seryosohin ang lalaki kumbaga nais lang daw ng dalaga noong una na maranasan ng magkaroon ng karelasyon. Ngunit, hindi ganoon ang nasa isip ni Lang dahil sa loob ng tatlong taon nilang relasyon ay napakaseryoso ni Lang sa babae.

Humingi pa ng permiso si Lang sa kaniyang mga magulang para siya ay magpakasal na. Nagkaroon ng pag uusap sa pagitan ng magulang ni Lang at ng kapatid ni Thu Yen. Hindi maipaliwanag ay nagkasundo ang mga ito na ipakasal na ang dalawa.

Nagulat ang babae pero hindi naman ito tumututol dahil nasisiyahan naman daw siya sa piling ni Lang. Naipakasal ang dalawa noong Enero 2016. Gaya ng inaasahan ay naging viral ang kanilang kwento sa social media.

Maraming dumalo sa mismong kasal ang hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Kilala nila ang pagkatao ni Lang kaya hindi nila akalain na makapag asawa ito at isa pang magandang babae.

Pero hindi pa doon nagtatapos, dahil hindi talaga maiwasan na magkaroon tayo ng kapitbahay na mga bad influence. Si Thu Yen kasi ay nag-online business ng mga beauty products kaya madalas itong natutukso na hindi epektibo ang binebenta dahil mismong asawa niya ay hindi niya napaayos ang mukha o napa-gwapo. Kaya madalas ding mag-away ang mag-asawa dahil dito.

Sa inis, napagdesisyunan ni Lang na lumipad patungo sa Canada upang magtrabaho at sa pag asa na mapaayos niya ang kaniyang mukha doon. Ngunit, siya ay hindi pa din naka ipon dahil maliit lamang ang kinikita niya bilang isang waiter.

Gayunpaman, masasabi pa din na mahal siya ng kaniyang asawa dahil sumunod ito sa kaniya sa Canada. Sa ngayon ay masaya ng nagsasama ang dalawa at nabiyayaan ng isang anak. Talagang ginawa ni Lang ang lahat para maitaguyod ang kaniyang pamilya.

Para naman kay Thu Yen, aanhin niya ang gwapong lalaki kung hindi naman ito responsable kaya maswerte pa din siya sa kaniyang asawa na si Lang.

COMMENTS

WORDPRESS: 0