Isang Babae Nahulog Mula sa Eroplano sa Taas na 10,000 ft, Himalang Nabuhay sa Loob ng 11 Araw! - Trenddy

Isang Babae Nahulog Mula sa Eroplano sa Taas na 10,000 ft, Himalang Nabuhay sa Loob ng 11 Araw!

Isang Babae Nahulog Mula sa Eroplano sa Taas na 10,000 ft, Himalang Nabuhay sa Loob ng 11 Araw!


Dumarating sa buhay ng tao ang mga pangyayaring hindi inaasahan. Mga pangyayari na sumusubok sa ating katatagan at pananampalataya na kung minsan ay m

Mga Taong Bumangon O Nagpakita Sa Sarili Nilang Burol, Pinag-usapan Ngayon sa Internet!
Isang Mayamang Anak, Iniwan ang Ama sa Kalsada at Hindi na Muling Binalikan Pa!
Mga Loggers, Nagulat sa Nadiskubre sa Punong ito Matapos Nilang Putulin

Dumarating sa buhay ng tao ang mga pangyayaring hindi inaasahan. Mga pangyayari na sumusubok sa ating katatagan at pananampalataya na kung minsan ay maihahambing pa natin sa isang pelikula. Sa artikulong ito, ibabahagi namin sa inyo ang nakakabilib na kwento ng isang batang babae na nahulog mula sa eroplano at himalang nabuhay ng labingisang araw sa kagubatan.

Si Juliane Koepcke ay ipinanganak sa Luma, Peru noong Oktubre 10, 1954. Siya ay nag-iisang anak nina Hans-Wilhelm at Maria Koepcke, mga German biologist na lumipat patungong Peru upang doon mamuhay at magtrabaho. Nang siya ay labingapat na taong gulang pa lamang, napagpasyahan ng kaniyang mga magulang na iwan ang syudad ng Lima upang itayo ang Panguana Ecological Research Station sa kagubatan ng Amazon.

Doon ay isinama siya ng kaniyang mga magulang kung saan tinuruan siya ng iba’t ibang uri ng insekto, hayop, halaman, at pati na din ang mga paraan kung paano makaka-survive sa kagubatan. Ngunit, sa kasamaang palad, hindi sumang-ayon dito ang awtoridad kaya makalipas ang dalawang taong pag-aaral kasama ang kaniyang mga magulang ay napilitan siyang bumalik sa syudad ng Lima upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral sa high school.

Noong Disyembre 1971, lumipad ang kaniyang ina pabalik sa syudad ng Lima upang siya ay sunduin nang sa ganoon ay magkasama sama silang pamilya sa araw ng Kapaskuhan. Gusto sana ng kaniyang ina na sila ay lumipad patungong Panguana nang Disyembre 22. Subalit, nais ni Juliane na dumalo sa kaniyang graduation ceremony nang Disyembre 23. Sa huli, sumang-ayon din ang kaniyang ina sa kaniyang hiling at napagpasyahan na sa bisperas na lang ng pasko sila lilipad patungong Panguana.

Dahil sa holiday season noon, lahat ng airlines ay fully booked na, maliban sa Lansa Airlines. Binalaan na sila ng kaniyang ama na hangga’t maaari ay iwasan lumipad kasama ang nasabing airlines sapagkat hindi maganda ang record nito pagdating sa kaligtasan ng pasahero.

Subalit, wala na silang ibang pagpipilian kundi ang kunin ang flight. Sa tingin naman ng kaniyang ina ay magiging maayos naman ang lahat.

Disyembre 24, 1971 nang sumakay si Juliane kasama ang kaniyang ina at walongput-apat pang pasahero sa Lansa flight 508. Nakatakdang lumipad mula Lima, Peru patunongng Pucallpa, Peru. Sa mga unang minuto ng kanilang paglipad sa himpapawid ay normal naman ang lahat. Hanggang sa dumilin ng unti unti ang kalangitan at ang ihip ng hangin ay biglang lumakas.

Kalaunan ang eroplano na kanilang sinasakyan ay nasa gitna na ng malakas na bagyo. Sa puntong ito, tanging kadiliman at mga liwanag ng malalakas na kidlat ang makikita sa mga bintana ng eroplano. Nag panic na ang lahat ng pasahero at tanging sigaw at iyak na lamang ang maririnig sa bawat isa habang yumayanig ang eroplano.

Hanggang sa isang malakas na kidlat ang tumama sa kanang pakpak ng eroplano at nagsimula itong bumulusok paibaba. Nawalan ng malay si Juliane at nang siya ay magising, wala na sa kaniyang tabi ang kaniyang ina at wala na din siya sa loob ng eroplano. Nakakabit pa din siya sa kaniyang kinauupuan, at sa taas na 10,000 feet nahuhulog si Juliane ng mag-isa. Bago pa man siya makaramdam ng matinding takot sa kaniyang pagbagsak, nawalan muli siya ng malay.

Sa kaniyang muling paggising, nagtataasang mga puno ang una niyang nasilayan at tanging alingawngaw ng kagubatan ang kaniyang naririnig. Nananakit ang kaniyang leeg, balikat, at bukong bukong. Nagtamo din siya ng malaking hiwa sa kaliwang braso at binti. Nagmamaga din ng husto ang kaniyang kaliwang mata.

Bagamat hinang hina at hilong hilo ay pinilit niyang tumayo at ang unang pumasok sa kaniyang isipan ay hanapin ang kaniyang ina. Hinanap at tinawag niya ang pangalan ng kaniyang ina, subalit alingawngaw lamang ng kagubatan ang sumasagot sa kaniya. Walang natagpuan na kahit ano si Juliane, maliban sa isang bag ng candy na magsisilbi niyang pagkain sa mga susunod pang mga araw.

Nilakasan ni Juliane ang kaniyang loob at sinimulan ang paglalakad sa kagubatan. Sa kaniyang paglalakad, may ilang eroplano siyang nakita sa himpapawid na tila hinahanap ang lokasyon ng pinagbagsakan ng sinakyan niyang eroplano. Subalit napagtanto niya na imposible siyang makita ng mga ito dahil sa kapal ng mga puno at halaman sa kagubatan.

Makalipas ang ilang oras ay nawala na ng tuluyan ang mga tunog ng eroplano. Ito ang punto na napagtanto niya na wala talaga siyang aasahan para makalabas ng kagubatan kundi ang kaniyang sarili lamang.

Nagpatuloy si Juliane sa paglalakad sa kagubatan at minarkahan ang bawat puno na kaniyang madadaanan nang sa gayon ay hindi siya maligaw. Habang naglalakad, nakarinig siya ng agos ng tubig at kaagad niya itong hinanap. Kalaunan ay natagpuan niya ang isang batis. Nabuhayan siya ng loob dahil naalala niya ang turo ng kaniyang ama na kapag sinundan mo ang daloy ng batis ay dadalhin ka nito sa ilog kung saan naroon ang tao at sibilisasyon. Kaya sinimulan niyang sundan ang daloy ng batis, Pahirapan para kay Juliane ang pagtulog dahil sobrang lamig ng temperatura. Kumikirot din ang lahat ng kaniyang mga sugat at madalas din siyang kagatin ng iba’t ibang insekto kagaya ng lamok.

Makalipas ang ilang araw ay narating niya din sa wakas ang isang malaking ilog. Subalit wala ni isang tao sa paligid. Nakakarinig siya ng tunog ng mga eroplano subalit kalaunan ay nawawala din ito. Napang hinaan na naman siya ng loob at naisip na marahil ay sumuko na ang mga rescuer sa paghahanap ng mga survivor.

Gayunpaman, hindi pa din siya sumuko at nagpatuloy pa din siya sa paghahanap ng tulong. Dahil sa sobrang tawag at kapal ng mga halaman sa gilid ng ilog, nahirapan si Juliane na lakarin ito kaya napilitan siyang languyin ang ilog. Mas malaking hamon para sa kaniya ang paglangoy sa ilog sapagkat maraming delikadong hayop ang naninirahan doon, katulad ng mga buwaya, piranha, at iba pa.

Lumipas pa ang ilang araw at naubos na ng tuluyan ang candy ni Juliane. Tanging tubig ilog na lamang ang nagsisilbi niyang pagkain. Dahil sa panahon ng tag-ulan noon, walang bunga ang mga puno na maaaring pitasin at wala din siyang gamit para makapang huli at makapag luto ng isda.

Sa ikasampung araw ng kaniyang paglalakbay, halos wala na siyang lakas para tumayo at lumangoy. Subalit nagpatuloy pa din siyang lumaban. Pagsapit ng hapon, umidlip sandali si Juliane sa gilid ng ilog. Noong siya ay magising, isang bangka ang bumungad sa kaniyang paningin. Hindi siya makapaniwala at inakala na imahinasyon lamang niya ito.

Kaya nilapitan niya ito at hawakan at napatunayan na totoo ngang bangka ang kaniyang nakita. Sa di kalayuan kung nasaan ang bangka, napansin niya ang isang maliit na daan sa gilid ng ilog. Pinuntahan at sinundan niya ang daan sa pag-asa na makakakita siya ng tao na maaaring makakatulong sa kaniya. Dahil sa mahinang mahina na siya, inabot siya ng dalawang oras sa paglalakad bago niya natunton ang isang maliit na kubo.

Wala siyang nakitang tao sa kubo subalit malaki ang tiwala niyang nasa malapit lamang ang may-ari ng bangka at kubo at anumang oras ay babalik ang mga ito. Makalipas ang ilang oras, walang taong nagpakita. Kaya naisipan niyang magpalipas na ng gabi sa loob ng kubo.

Nang siya ay magising noong sumunod na umaga, wala pa ding taong nagpakita. Subalit hindi pa din siya nawalan ng pag-asa kaya naisipan niyang magpahinga ng isa pang araw sa kubo. Hanggang sa sumapit ang dapit hapon. Nakarinig siya ng mga boses at inakalang guni guni niya lang iyon. Subalit, tatlong lalaki ang lumabas sa kagubatan at nagulat ang mga ito nang siya ay makita.

Halos maiyak sa tuwa si Juliane nang makita niya ang mga lalaki. Agad siyang nagpakilala at kinuwento ang mga pangyayari. Pagkaraan ay ginamot siya ng mga lalaki at binigyan ng pagkain. Nang sumunod na umaga, isinakay siya ng mga lalaki sa isang bangka at dinala siya sa ospital sa kalapit na kabahayan.

Kinabukasan, dumating ang kaniyang ama. Walang ibang maririnig sa kanila kundi iyak ng tuwa at pagdadalamhati. Ikinwento ni Juliane ang lahat ng pangyayari at dahil dito, natunton ng mga awtoridad ang eroplano at ang katawan ng mga biktima.

Kalaunan, napag-alaman na siyamnapu’t isang pasahero, kasama ang kaniyang ina ang nasaw1 sa pagbagsak ng Lansa flight 508. Tanging siya lamang ang kaisa isang nakaligtas.

COMMENTS

WORDPRESS: 0