Isang Delivery Man na Nagbyahe ng Tatlong Oras mula Manila hanggang Cavite, Gamit Lamang ang Kaniyang Biseklata! - Trenddy

Isang Delivery Man na Nagbyahe ng Tatlong Oras mula Manila hanggang Cavite, Gamit Lamang ang Kaniyang Biseklata!

Isang Delivery Man na Nagbyahe ng Tatlong Oras mula Manila hanggang Cavite, Gamit Lamang ang Kaniyang Biseklata!


Kinabiliban at hinangaan ng mga netizens ang isang delivery man mula sa Binondo, Manila dahil sa sipag at diskarte nito mai-deliver lamang ang order n

Mga Taong Bumangon O Nagpakita Sa Sarili Nilang Burol, Pinag-usapan Ngayon sa Internet!
Matteo Guidicelli, Ibinunyag ang Tunay na Ugali ni Sarah Geronimo na Ikinagulat ng Marami!
Isang Mayamang Anak, Iniwan ang Ama sa Kalsada at Hindi na Muling Binalikan Pa!

Kinabiliban at hinangaan ng mga netizens ang isang delivery man mula sa Binondo, Manila dahil sa sipag at diskarte nito mai-deliver lamang ang order ng kaniyang customer na mula sa Bacoor, Cavite gamit ang kaniyang bisikleta.

Sa Facebook post ng netizen na si Michael Jamandre, ipinahayag niya ang kaniyang paghanga para sa rider na si Jeffrey Jaskie Sison dahil sa sipag at dedikasyon nito sa trabaho na i-deliver ang kaniyang order gamit lamang ang maliit na bisikleta kung saan binaybay ni Jeffrey ang kalye mula Binondo, Manila hanggang sa Bacoor, Cavite.

Um-order si Michael ng isang miniature statue ng Monkey D. Luffy mula sa anime na ‘One Piece.’ Noong una, sinabi ni Michael na siya ay nainis pa dahil sa halos tatlong oras na ang lumilipas ay hindi pa din dumadating ang rider na magde-deliver ng kaniyang order.

Ani Michael,

“Sabi lang ng rider basta dadating daw sya. Mag-antay lang daw ako.”

Dagdag niya,

“Nung dumating ung rider, biglang nawala ang inis ko. Una natawa ako, tapos naawa ako.”

Nagulat at bumilib naman si Michael noong makita kung gaano kaliit ang bisikleta na ginamit ni Jeffrey para sa kaniyang deliver at ito ay makakatanggap lamang ng P250 na bayad sa serbisyo nito. Sinabi ni Michael na nag-message siya sa store at tinanong kung nagtatrabaho sa kanila ang nasabing rider. Nabanggit naman ng store na binibigyan nila ng pagkakataon ang mga tao na katulad ni Jeffrey na walang trabaho na magtrabaho bilang isang delivery ride. Ayon sa store, ang P250 para sa delivery ay naka-base sa ibang courier services.

Ipinahayag din naman ni Michael ang kaniyang paghanga sa pangunguna ng store na makatulong sa mga tao sa kanilang lugar na magkaroon ng pagkakakitaan. Samantala, mas lalo pang humanga ang mga netizens noong malaman na tinanggihan pa ni Jeffrey ang P250 na tip na inaalok ni Michael. Sinabi naman ni Michael na nais niyang bigyan ito ng tip dahil alam niya kung gaano nakakapagod bumyahe gamit ang bisikleta mula Manila hanggang Cavite.

Kinailangan pa niyang pilitin si Jeffrey na kunin ang tip ngunit isinauli nito ang P100 at sinabi na siya ay kontento na sa P150.

Saad ni Michael,

“Ang sabi lang ni kuya, naku boss, ok lang yun. Kasama sa trabaho namin yun.”

Samantala, marami namang netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay Jeffrey. May ilang netizens na hinihiling na sana ay mayroong mabuting puso na magbigay ng maayos na bisikleta kay Jeffrey habang ang ilan ay inaalok naman ang kanilang mga second-hand na motorsiklo.

Source: Facebook

COMMENTS

WORDPRESS: 0